BEST LESSON PLAN USING CREATIVE STRATEGY AND COMPLETE SET OF MATERIALS

Bulacan State University
College of Education
City of Malolos, Bulacan



        _______________________________________________________________________

MASUSING BANGHAY ARALIN
sa Araling Panlipunan IX
       _______________________________________________________________________
Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo



Inihanda ni:

RHAYMART A. AGUILAR
Gurong Mag-aaral

Binigyang Pansin ni:

FLORDELIZA MARCELINO
Cooperating Teacher

Sinang-ayunan ni:

NANCYLITA CUBOL
Punong Guro

Pinagtibay ni:

LEMUEL DEL ROSARIO
Student Teaching Supervisor – Araling Panlipunan


I. Layunin
1. Naipapaliwanag kung paano nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok at   pagkonsumo
2. Nasusuri ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries.
3. Nabibigyang-halaga at naisasagawa ang mabubuting kaugalian sa paghahanap ng pagkakakitaan, pagkonsumo at pag-iimpok ng salapi.
II. Paksang Aralin
            Paksa: Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-Iimpok at Pagkonsumo
            Sangguniang Aklat:
EKONOMIKS: Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral
            Pahina: 259-271
Ekonomiks; Mga konsepto at Aplikasyon,
Pahina: 274-276
Internet

            Mga Materyales:
Mga tulong biswal (Visual Aids)
Play Money (Laruang Pera)
Laptop
Projector
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
1. Panalangin
Magsitayo na ang lahat, Ating simulan ang hapon na ito ng isang panalangin.

(Magtatalaga ng isang mag-aaral)

2.Pagbati
Magandang hapon (Pangkat __________)

Magsiupo na ang lahat

3. Pagtatala ng Liban
May lumiban ba sa unang pangkat?

May lumiban ba sa ikalawang pangkat?

May lumiban ba sa ikatlong pangkat?

May lumiban ba sa ikaapat na pangkat?

May lumiban ba sa ikalimang pangkat?

Mahusay walang lumiban sa klase. Bigyan ang bawat isa ng “Aling Dionisia Clap”

(Magsisitayo ang mga mag-aaral at umpisahan ang panalangin)




Magandang Hapon rin po Sir. Rhaymart!

(Magsisiupo ang mag-aaral)


Wala po!

Wala po!

Wala po!

Wala po!

Wala po!

1 2 3! 1 2 3! Birigud Birigud!

B. Balik Aral
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang patungkol sa?

Very Good! Ano ang dalawang uri ng Pambansang kita?


Mahusay! Paghambingin naman ang GNI at GDP

Mahusay! Natuto nga kayo sa ating Aralin!
Pambansang Kita po sir


GNI o Gross National Income na dating GNP na Gross National Product at GDP o Gross Domestic Product po.

(Sasagot ang Mag aaral)

C. Pagganyak
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
(Magpapakita ang guro ng Pera. )
Saan ginagamit ang Pera?

Mahusay!

Magpapakita ng Larawan







Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?

Mahusay!

Base naman sa larawan Kung kayo naman ay may trabaho at Kita saan mo iyon gagatusin?

(Ipamimigay ng guro ang Laruang pera o play money sa bawat lider ng grupo at hahayaan sila na gamitin ang pera sa nais nilang pagamitan sa pamamagitan ng paghulog ng mga pera sa bawat kahon sa Harapan at ipapaliwanag ng isang miyembro bawat grupo kung bakit ganoon nila ginamit ang pera.)

Pangkat 1. Bakit iyan ang napagkasunduan ng inyong pangkat?
Pangkat 2. Bakit iyan ang napagkasunduan ng inyong pangkat?
Pangkat 3. Bakit iyan ang napagkasunduan ng inyong pangkat?
Pangkat 4. Bakit iyan ang napagkasunduan ng inyong pangkat?
Pangkat 5. Bakit iyan ang napagkasunduan ng inyong pangkat?

Mahusay! Bigyan ang bawat isa ng “Yes Clap”

Sa pagbili po ng mga pangangailangan











Iniisip po ng tao kung saan niya gagastusin ang Pera


Sa pagbili po ng mga kakailangin sa pang araw araw na buhay.











(Ipapaliwanag ng miyembro)

(Ipapaliwanag ng miyembro)

(Ipapaliwanag ng miyembro)

(Ipapaliwanag ng miyembro)

(Ipapaliwanag ng miyembro)


123! 123! Yeees!

B. Paglinang ng Aralin
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-Aaral
Upang lubos na maunawaan ang aralin dadako na tayo ngayon sa ating pangkatang Gawain.
Pangkat 1- Magsasagawa ng isang skit upang ipakita kung paano kumikita ang isang tao.
Pangkat 2 - Magpapakita ng isang game  show na naglalarawan kung paano kumokonsumo ng mga produkto at serbisyo ang isang tao.
Pangkat 3- Magpapakita ng isang scenario kung paano makapag- iipon ang isang tao. At kung paano malaman kung saan mas mabuting mag ipon
Pangkat  4 – ay gagawa ng isang graphic organizer upang ipaliwanag ang 7 habits of a wise saver
Pangkat 5 – Lilikha ng song writing compositionl tungkol sa kita, pagkonsumo at pagiimpok.

(Ang bawat pangkat ay binigyan ng paghahanda para sa kani-kanilang presentasyon sa pamamamgitan ng takdang aralin o kasunduan.)

Ngayon ay tinatawagan na ang pangkat 1 upang ipakita ang kanilang presentasyon.

Magaling Group 1! Bigyan nga ng “Pasabog Clap” ang Group 1

Ano ang napansin niyo na ginawa ng pangkat1?

Mahusay! Ano ang tinatanggap ng isang tao kapag kumikita?

Very Good! Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng serbisyong kanilang binibigay. Katulad na lamang sa bawat guro kapalit ng aming pagtuturo ay ang sweldo.

Paano kaya ginagamit ang bawat sweldo? Ngayon naman ay dadako tayo sa Ikalawang Pangkat.

Magaling Pangkat 2! Bigyan nga din sila ng “Pasabog Clap”

Ano ang napansin nyo na ginawa ng Group 2?

Mahusay! Ano ang tawag nila sa ginawa nilang pagbili ng mga bagay na gusto nila?

Hindi nyo ba alam na ang pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan ng husto at walang nasasayang

Ngayon namang panoorin natin ang ikatlong grupo sa kanilang inihandang presentasyon.

Magaling bigyan naman natin sila ng “Malupet Clap”

Ano kaya ang ginawa ng ikatlong pangkat?

Ano ang kanilang ginawa sa natirang Pera?

Very Good! Mahusay! Ang Ipon o Savings according kay Roger E.A. Farmer (2002) sinabi niya na ang pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek Morton at Schug ito ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo.

Malinaw?


Ngayon naman ay tignan natin ang inihandang presentasyon ng ikaapat na grupo


Mahusay!! Bigyan natin muli ng “Malupet Clap” ang ikaapat na grupo.


Ano ang nasaksihan ninyo na ginawa ng ikaapat na grupo?


Mahusay! Sa palagay niyo saan kaya tayo maaring mag ipon?

Magaling ! saan pa?

Magaling! Alam n’yo ba na may dalawang paraan ng pag iimpok?
Una ang pagiimpok sa alkansiya. Sa pagiipon sa alkansiya ay may hindi magandang dulot dahil lumiliit ang supply ng salapi dahil nakatago ang iba nito at kapag ito ay naitago ng matagal ay maaring mawalan ng halaga.

Sa inyong palagay, saan mas praktikal na mag-impok ng salapi sa alkansya ba o sa bangko?


Suriin ang Diagram.
Ngunit kailangan alam natin kung saan dapat tayo magiipon.

Narito ang 7 Habits of wise saver

1. Kilalanin ang Bangko

Alamin kung sinong may-ari nito at mas maganda din kung magsasliksik tayo tungkol sa bangko.

2. Alamin ang produkto ng iyong bangko

Huwag malilito sa investment at regular na deposito. Basahin at unawain din angterms and conditions huwag mahihiyang magtanong kung may hindi naiintindihan

3. Alamin ang serbisyo at bayarin sa iyong bangko

Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong pangangailangan at alamin ang mga sinisingil at bayarin sa bangko

4. ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date

Ingatan ang passbook, ATM (automated teller machine) CTD (cettificate of time deposit), checkbook at iba pang record. Dahil marami na ang gumagamit ng smartphone ngayon ay maari narin nilang Makita ang account gamit ang smartphone at internet para magcheck ng account.

5. Makipagtransaksyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadong tauhan

 Huwag magalinlangang magtanong sa tauhan ng bangko na magpakita ng identification card at palaging humingi ng katibayan ng iyong nagging transyaksyon

6. alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance

Ang PDIC ay Philippine Deposit Insurance Corporation ito ay gumagarantiya ng hanggang Php 500,000.00 sa deposito ng bawat depositor.

7. maging maingat
Paano tayo magiging maingat?

Lumayo sa alok na masyadong maganda para paniwalaan.

Malinaw ba?


























(Ipapakita ang presentasyon  ng pangkat 1)


123! 123! Boooom!


Kung paano po kumikita ang isang tao.


Pera po sir!








(ipapakita ang kanilang inihanda)



123! 123! BOOOOOM!


Ipinakita po nila kung saan nila ginagastos ang pera na kanilang kinita.

Pagkonsumo po sir!









(ipapakita ng iklatlong grupo ang kanilang inihanda)


123! 123! PETMALUU!


Ipinakita po nila na upang hindi masayang ang kanilang pera sa pagkonsumo ay iniipon nalamang nila ito.
Inipon po nila ang natirang pera







Opo.

(Ipapakita ng ikaapat na grupo ang kanilang inihanda)

123! 123! Petmaluuuu!

Pinakita po nila kung paano kumikita, kumokonsumo at nag iimpok ang isang tao.

Sa alkansya po.


Sa bangko sir.










Ang pagiimpok sa bangko ay sinasabing mas maganda na dito magimpok dahil lalago pa ang iyong pera.























































Opo sir!

C. Pangwakas na Gawain
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag- Aaral
A. Paglalahat
Ano muli ang tinalakay natin ngayon?


Mahusay! Ano naman ang Kita?


Magaling! Ano naman ang Pagkonsumo?

Very Good! Ano naman ang Pag iimpok ayon kay Roger E.A Farmer?

Tama! Ano naman ang sinabi nila Meek, Morton, at Schug?


Magaling! Naunawaan nga ninyo ang ating aralin! Bigyan naman ng Yes Clap ang inyong sarili.

B. Paglalapat
BIlang isang Estudyante gaano kahalaga sa inyo ang mag ipon?

Ugnayan ng Kita, Pagkonsumo, at Pag-iimpok po sir.

Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng serbisyong kanilang binibigay po sir.

Ang pagkonsumo ay pagbili o paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao po sir.

Ang ipon o savings ay paraan ng pagliliban ng paggastos po sir.

Ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan. Po sir

123! 123! Yes!




(Malayang Sagutan)

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot na makikita sa Wordpool sa bawat pangungusap.
___________1. Ang Pagkonsumo gamit ang _________ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang mapakinabangan ng husto at walang nasasayang.
___________2. Ang _________ ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng serbisyong kanilang binibigay.
___________3. Sinabi niya na ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos.
___________4. Ang ________ ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang ang pangaganilan at kagustuhan ng mga tao.
___________5. Tagapamagitan ng Nag-iimpok at nangungutang.
           
               SALAPI  KITA    ROGER FARMERS
 PAMUMUHUNAN   BANGKO
  PERAFINANCIAL INTERMIDIARIES
 

 



Sagot:


1. Salapi
2. Kita
3. Roger E. A. Farmer
4. Pera
5. Financial Intermediaries


V. Kasunduan
            Takdang Aralin
            1. Ano ang implasyon?
            2.Ano ano ang dahilan at bunga ng Implasyon?
            Sanggunian: Ekonomiks
        Araling Panlipunan (modyul para sa mag-aaral)
        Pahina 275-280


            

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PRAYER OF A STUDENT TEACHER/CREDO/PERSONAL EDUCATION PHILOSOPHY

A BRIEF DESCRIPTION OF THE SITE OF PRACTICE TEACHING